Wednesday, January 3, 2007

REGIONAL PROJECT OFFICER NG BAYAN MUNA BICOL, PINASLANG!




News Release
BAYAN MUNA-Bicol
December 31, 2006
Reference: Jose PerniaRegional Coordinator

Ligao City- Alas 5:30 ng hapon sa Barangay San Lorenzo, pinaslang sa kanilang tahanan si Rodolfo "Ompong" Alvarado. Regional Project Officer ng Bayan Muna sa Bicol at ika-anim na nominado ng nasabing party list."Walang patawad ang "death squad" ni GMA. Sa natitirang oras ng 2006, inihabol si kasamang Ompong". Pahayag ni Pernia.Si Alvarado ang ika-42 sa mga pinaslang sa rehiyong Bikol sa taong 2006 at ika-129 mula noong maupo sa pwesto si GMA.

Matatandaang bago dumating ang araw ng kapaskuhan, pinatay si Atty. Gil Gojol, abogado ng Bayan Muna sa Sorsogon kasama si Danilo France na kanyang driver. "Ang nangyari ay patunay lamang na handang gawin ng malakanyang ang lahat matupad lamang ang 2 taong deadline ni GMA na ubusin ang kanyang mga kalaban. Tuloy-tuloy ang implementasyon ng Oplan Bantay Laya ng AFP na walang ibang hangarin kundi patahimikin ang sinumang itinuturing na kalaban ng gobyerno" Dagdag pa ni Pernia.

Matatandaan na bago pa man lumahok at manalo sa halalan ang Bayan Muna noong 2001 hanggang 2004, matindi ang propaganda ng gobyerno na ito diumano ay kasama sa mga front NPA. "Naniniwala kami na responsable ang gobyerno sa mga nangyayaring ito. Ang pagbansag sa amin na diumano’y mga kasama at taga suporta ng NPA ay deklaradong gyera sa amin at sinumang sibilyan na naghahanap ng pampulitikang pagbabago, katotohanan at hustisya sa likod ng katiwalian ng gobyernong Arroyo". Sabi pa ni Pernia. Ang Bayan Muna kasama ang mga kaalyadong militanteng organisasyon ay mahigpit na kinokondina ang naturang pagpatay.

"Dapat ng papanagutin si GMA kasama ang kanyang mga alagad sa dumadaming listahan ng inutang na buhay. Ang agarang pagpapatalsik sa papet, pasista at pahirap sa masang pekeng pangulo ay mas lalong dapat madaliin at ipagtagumpay. Hanggat nananatili si GMA sa pwesto, dadami pa ang magiging kaso ng pampulitikang pamamaslang." Pagtatapos ni Pernia.

For other articles link at: http://www.cp-union.org/katarungan-bikol/

No comments: