Naging mapusyaw na pula ang buwan sa partial lunar eclipse na nasaksihan ng mga taga-Legaspi City sa Albay bandang alas siyete kagabi. Tumagal ito ng dalawang oras. Tuwing may eclipse, nabubuhay ang haka-haka ng mga residente na mahihirapan sa panganganak ang isang buntis. Pero ayon sa PAGASA, walang dapat ikatakot dahil normal lamang ang eclipse. Ikalawang lunar eclipse na ito ngayong taon, at una ay noong January 1. Sa tanggapan ng PAGASA sa Quezon City, nasaksihan din ang partial lunar eclipse nang tumila ang ulan.
No comments:
Post a Comment